- Episode 28
Sa wakas, nagkaroon ng malinaw na pag-uusap sina Isla at Bianca tungkol sa kanilang nararamdaman at kung ano ang direksyon ng kanilang relasyon. Kasabay nito, ang Everwood team ay muling nagkita-kita para sa enrollment, dala ang tawanan at biruan na nagbibigay ng magandang samahan.
13m - Jun 30, 2025 - Episode 27
Sa unang date nina Isla at Bianca, habang nagiging totoo si Isla tungkol sa nararamdaman niya, si Bianca naman ay parang naiilang pa rin. Isla only wanted Bianca to be comfortable around her. Pero teka, bakit parang sinabi pa ni Bianca na baka ito na ang una’t huli nilang date?
15m - Jun 30, 2025 - Episode 26
Sa pagtatapos ng volleyball meeting, naghanda ang Everwood team para sa sem break. Habang pauwi na ang lahat, naglakas-loob si Isla na imbitahan si Bianca sa isang "date." Nabigla si Bianca pero pumayag din sa huli. Ano kaya ang magiging takbo ng kanilang unang date?
15m - Jun 30, 2025 - Episode 25
Sa gitna ng graduation ni Tala ay biglang nag-abot rin ng regalo si Bianca. Biglaan rin na napasama siya sa simpleng selebrasyon. Sa kabila ng masayang sandali, nagbigay-daan ang bagong FB account ni Isla para mas mapalapit pa sa team. Pero senyales kaya ang “friends” status ni Isla at Bianca na hanggang doon lang talaga sila?
11m - Jun 30, 2025 - Episode 24
Pagkatapos ng awarding, parehong awkward sina Isla at Bianca at hindi makapag-usap nang direkta. Samantala, si Lance ay tuluyang tinanggap ang desisyon ni Isla, habang unti-unting papunta sa closure. Will there be another beginning as something ends?
11m - Jun 30, 2025 - Episode 23
Sa gitna ng aberya sa biyahe, nag-krus ang landas nina Bianca at Lance. Sa kanilang awkward na pag-uusap, pareho nilang nahalata ang iisang bagay—pareho nilang gusto si Isla. Samantala, muling pinatatag ni Coach Lisa ang kanilang team matapos ang awarding. Sa kabila ng third-place finish, ramdam ang kanilang pagkakaisa at determinasyon para sa susunod na season.
12m - Jun 30, 2025 - Episode 22
Isang awkward na umaga ang hinarap ni Isla nang dumalaw si Lance sa bahay nila. It was an awkward celebration. Kahit pa nanalo ang team nina Isla, malungkot naman ang naging pagtatapos ng pag-uusap nila ni Lance. Will Lance be able to recover? O kasabay n’on ay ang pagtatapos ng pagkakaibigan nila ni Isla?
11m - Jun 30, 2025 - Episode 21
Nanalo ang Everwood sa unang set laban sa Ridgeview, ngunit hindi pa tapos ang laban. Sa gitna ng intense na laro, mas lalo pang tumibay ang teamwork nina Isla at Bianca, nagiging solid ang kanilang depensa at opensa. Subalit, sa kanilang private conversation pagkatapos ng game, tila nagka-miscommunication ang dalawa tungkol sa tunay nilang nararamdaman
11m - Jun 30, 2025 - Episode 20
Magsisimula na ang rematch ng Everwood laban sa Ridgeview, at ramdam ang tensyon sa bawat hakbang. Sa gitna ng intense na laban, unti-unting nagiging in-sync sina Isla at Bianca, ngunit ang malaking tanong ay kung kakayanin ba nila ang lakas ng Ridgeview. Sa bawat block, spike, at play, nagiging mas malinaw ang chemistry nila sa court. Kaya na bang bumawi ng Everwood sa Ridgeview?
8m - Jun 30, 2025 - Episode 19
Magiging malinaw na ang mga damdamin nina Mika at Jas para sa isa’t isa. Si Isla naman ay patuloy na nagmumuni-muni sa bigat ng pagiging setter at sa mga komplikasyon ng relasyon niya kay Lance at Bianca. Sa gitna ng kaguluhan ng emosyon, naghahanda ang team ng Everwood para sa rematch laban sa Ridgeview, dala ang bagong pag-asa at plano.
14m - Jun 30, 2025 - Episode 18
Takot si Isla na muling magkamali, habang si Bianca ay nalilito kung paano haharapin si Isla matapos ang nangyari. Sa tulong ng payo ni Mika, natutunan ni Bianca ang kahalagahan ng pagiging totoo sa nararamdaman kahit na masaktan. Habang patuloy ang pagpaplano ng team para sa kanilang pagbawi, parehong sinusubukan nina Isla at Bianca na harapin ang kanilang unspoken feelings.
13m - Jun 30, 2025 - Episode 17
Nalilito si Isla sa dami ng emosyon—mula sa pagkatalo sa laro, ang halik ni Bianca, at ang pagtatapat ni Lance. Habang pilit niyang inuunawang ang nangyari, si Bianca ay puno ng pagsisisi at gustong ayusin ang kanilang sitwasyon. Samantala, si Lance ay naglalakas-loob na ipaglaban ang nararamdaman niya.
11m - Jun 30, 2025 - Episode 16
Nahihirapan si Isla sa kanyang laro dahil sa internal struggles at distractions, habang si Bianca ang nagdala ng team sa matinding laban kontra Crescent Bay. Sa harap ng fierce rallies at personal na tensyon, isang hindi inaasahang eksena ang nagbigay-linaw sa emosyon ni Isla, ngunit ang tanong: sapat ba ito para ibalik ang kanyang focus?
10m - Jun 30, 2025 - Episode 15
Habang nagaganap ang intense na laban ng Everwood at Crescent Bay, nahihirapan si Isla na mag-focus dahil sa paghanga niya sa diskarte at galing ng karibal na team. Lalo pang gumulo ang isip niya nang lapitan siya ng setter ng Crescent Bay na si Natasha. Kaya bang manaig ng Everwood sa kabila ng mga distractions at matinding pressure?
10m - Jun 30, 2025 - Episode 14
Muling nagpapakitang-gilas ang Everwood Volleyball Team matapos ang kanilang tagumpay. Pero sa kabila ng papuri at suporta, naghahanda na sila laban sa Crescent Bay Institute—ang dream school ni Isla at kilalang malupit sa court. Habang naiisip ni Isla ang matinding laban, nabuo ang plano niya: ang "Great Wall of Everwood." Kakayanin kaya ng Everwood ang bagong hamon?
14m - Jun 30, 2025 - Episode 13
Biglang nagkaroon ng practice match ang Everwood laban sa Northbridge College. Habang nagpapaulan ng depensa ang kalaban, nagpakitang-gilas naman ang Everwood gamit ang bagong "cat-like" strategy. Pero hindi lang laro ang nagiging komplikado.
12m - Jun 30, 2025 - Episode 12
Habang patuloy ang paghahanda ng Everwood team para sa susunod na laro, lumalalim ang tensyon sa pagitan ng mga miyembro. Nagsisimula nang maghalo ang laro at ang kanya-kanya nilang personal na emosyon—selos, tampo, at hindi pagkakaunawaan. Si Bianca ay patuloy na naaapektuhan ng presensiya ni Lance, habang si Jas at Mika ay tila nagkakaroon ng malaking gap.
14m - Jun 30, 2025 - Episode 11
Panalo man sa laban, hindi magawang maging masaya ni Bianca dahil bumalik sa buhay ni Isla ang childhood friend nitong si Lance. Ayaw man aminin ni Bianca pero nagsisimula na siyang makaramdam ng selos. Unti-unting humihigpit ang kompetisyon hindi lang sa court, kundi pati sa puso ni Isla.
11m - Jun 30, 2025 - Episode 10
Sa pagsabak ng Everwood laban sa Silvercrest, naging hamon ito sa kanilang disiplina at precision play. Si Isla, gamit ang mga plano ni Coach Lisa, ay naging key player sa kanilang laro. Pero sa biglang pagdating ng childhood friend ni Isla na si Lance, nagdulot iyon ng tensiyon kay Bianca. Dito magsisimula ang love triangle sa pagitan nila Bianca, Isla, at Lance.
10m - Jun 30, 2025 - Episode 9
Mabigat ang pakiramdam ni Bianca matapos ang pagkatalo laban sa Ridgeview. Nahihirapan siyang tanggapin ang emosyon niya para kay Isla. Habang si Mika ay nagtataka na sa lumalapit na koneksyon nina Jas at Bianca. Magkakaroon kaya ng mas komplikadong damdamin sa pagitan ng members ng team?
15m - Jun 30, 2025
