SHOW / EPISODE

Let Jesus do His Maths in our lives - Ptr. Ronald Calinao (CJCRSG Pangasinan)

37m | Mar 27, 2022

Let Jesus do His maths in our lives

(Marcos 6:30-44)

v30Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro.

v31Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat hindi na makuhang kumain ni Jesus at ng kanyang mga alagad. Kaya't sinabi niya sa mga ito,

"Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti."

v32Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta nga sa isang ilang na dako.

v33Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya't mula sa lahat ng bayan, ang mga tao'y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nina Jesus

at nauna pang dumating doon kaysa kanila.

v34Paglunsad ni Jesus, nakita niya ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay.

v35Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at ang sabi, "Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw.

v36Payaunin na po ninyo ang mga tao sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain."

v37Ngunit sinabi niya, "Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain." "Bibili po ba kami ng halagang 200 denaryong tinapay upang ipakain sa kanila?" tanong ng mga alagad.

v38"Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo," wika niya. Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, "Lilima po, at dalawang isda."

v39Iniutos ni Jesus na ang lahat ay maupo nang pulu-pulutong sa damuhan.

v40Kaya't naupo sila nang manda-mandaan at lima-limampu.

v41Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, at nagpasalamat sa Diyos.

Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. At pinaghati-hati niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin.

v42Ang lahat ay nakakain at nabusog. v43Nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na pira-pirasong tinapay at isda, nakapuno sila ng labindalawang bakol.

v44Sa mga nagsikain, 5,000 ang mga lalaki.

Just like what Jesus did,in order for miracles and multiplication to happen, Let us:

1. Focus on the more important (v.30,34)

-Don’t dwell on problems that can hinder His miracles to happen and blessings to flow

1Pedro 5:7

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

2. Surrender what we have to God (v38,41)

- Just bring it to God, let Him perform, not us

3. Expect the multiplication to happen

(v42-44)

Luke 19:8

Tumayo si Zaqueo at sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, ipamimigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At kung ako'y may nadayang sinuman,

isasauli ko ito sa kanya ng maka-apat na beses.”

Juan 6:35

Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.


Service Date: March 27, 2022

Watch the full sermon here:

https://fb.watch/cMehTrwayn/

Audio Player Image
CJCRSG Podcast
Loading...